Piyudalismo


PIYUDALISMO
      Isang sistemang Pangmilitar at Pampulitika. Umiiral noong kalagitnaang panahon sa Kanlurang Europa. Sa ilalim ng sistemang ito ang lupaing pag-aari ng Asendor, na tinatawag na Panginoon, ay ipinagagamit sa kanyang tauhan, na tinatawag namang mga Basalyo(vassal)habang ang mga ito ay naglilingkod sa kanya. Ang sistemang PIYUDAL ay kontrata sa pagitan ng isang maharlika at isang basalyo na kung saan ay bibigyan ng may-ari ng lupa (maharlika) ang isang basalyo ng FIEF (lupa) bilang kapalit ng kanyang paglilingkod kasabay ng ritwal na HOMAGE o INVESTITURE na siyang aktwal na pagbibigay ng lupa.

Picture
Fief - Tawag sa lupang isinusuko na pagmamay-ari ng basalyo.Isinusuko ng basalyo ang lupa para sa kanyang seguridad. Impluwensya ng Roman Institution of Particinium at German Institution of Mundium.
Picture
VIKING. Ang mga Viking ay ang mga manlalakbay, barbarong mananakop at mga tinderong nanakop sa mga bansa sa Europa noong ika-9 hanggang ika-12 siglo.
Picture
Naging hari ng mga Frank si Charles; tinawag siyang Charlemagne. Charlemagne: Carolus (Charles) at Magnus (great); o Charles the Great
                                                                        Ang Paglaganap ng Piyudalismo 
Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga lokal na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at duke.
     Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim. Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europa lalo na sa bandang France. Ang mga Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang France kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na Normandy.Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.
  • Lipunan sa Panahong Piyudalismo
----> Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao.Makapag-aasawa lamang ang isang serfsa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing na pagaari ng panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon.
Ang nobles, barons, at bishops ay dapat makapagbigay ng sapat na bilang ng mandirigma, pera at payo at isang lugar para tuluyan kapag naglalakbay ang hari.
Picture
Ang French Revolution noong 1789
Picture
Ang Germany Revolution noong 1917
NAGMULA/LUMAGANAP

  Pagbagsak
 Ang pag akyat sa kapangyarihan ng Monarkiya sa France, Spain, at Inglatera ay ang simula naman ng pagbagsak ng mga lokal na samahan.• Paglaganap ng komunikasyon ay yun din ang pagbagsak ng “isolated manor”• Ang sistema ay unti-unting bumabagsak pero hindi tuluyang bumagsak sa France hanggang sa French Revolution (1789) at sa Germany hanggang 1848, at sa Russia hanggang 1917.





NAGMULA/LUMAGANAP

     Unang lumaganap sa “Frankish Lands” noong 9th at 10th century• Ang mga rehiyon na hindi sakop ng “Roman Customs” ay ang pyudalismo ay isang hakbang patungo sa kaayusan at “centralization” Ang mga makakapangyarihan ay merong mga tauhan na nagsisilbi sa kanila, lalo na ang pagsilbing militar kapalit sa proteksyon nila. Naging permanente ito sa “Frankish Lands” hanggang katapusan ng 10th century. Ang simbahan ay isa din sa mga impluwensya ng pagpapalaganap ng pyudalismo sa Europa.
Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo ang mga pari,kabalyero o maharlikang sundalo at mga alipin (serf) .
 ---->Mga Pari. Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng lipunan sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring magasawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga alipin. Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi, ang magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. 
--->Ang mga kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng kanilang lupain.Ang kabalyero (Ingles: knight) Ang mga kabalyero ay mga basalyo sa mga panginoon, na binibigyan ng mga panginoon ng lupain kung ang kabalyero ay makikibaka para sa kanila. Inisip ng mga kabalyero na ang karangalan  ay napakahalaga, at mayroon silang isang kodigo ng dangal na tinatawag na pagkakabalyero (chivalry). Kadalasan silang mayroong eskudo de armas (coat of arms). Sa kasalukuyan, ang mga kabalyero ay pinapangalanan ng Reyna.

Picture
  Ang Paglaganap 
  Lumaganap ang pyudalismo mula France hanggang Spain, Italy at hindi nagtagal, sa Germany at Silangang Europa. Sa Inglatera, ang Frankish form ay ipinapataw ni William (William the Conqueror)• Lumaganap hanggang Slovic lands at naimpluwensyahan din ang Scandinavian countries.
Sistema ng Piyudalismo
 King - Nagmamay-ari ng lupa. Nagbibigay siya ng lupa sa mga taong sumosoporta sa kanya. Yung mga taong yun ay kailangang may tapat na panunungkulan sa hari.
 Knights - Ang bansa ay nahati sa libou- libong “knights’ fee”. Bawat isa ay bibigyan ng “manor” at kailangan magpadala ng isang madirigma sa hari.
 PeasantsWala silang lupa na pinagmamay-ari. Sila ay nagtratrabaho lamang sa kanilang mga amo.

SOURCE: https://jasmineclado.weebly.com 

REFLECTION:
Sa aking paningin, ang Pyudalismo ay isang magandang halimbawa ng sistema na umiral noong gitnang panahon, Madming mga nangyari at mga ipinatupad noong panahon ng pagpapalaganap ng pyudalismo sa gitnang panahon sa kanlurang asya

 kaya naitatag ang Piyudalismo ay dahil sa pagkakahati hati ng banal na imperyo noon dahil sa kasunduan sa Verdum

kung saan hinati na ang imperyo sa tatlong magkakapatid

sina:
-Charles II (Pransya,Rhine)
-Lothair (Italy,Burgundy,Lorraine)
-Louis II (Saxony,Germany,Bavaria)

mahinang tagapamahala daw ang Charlemagne na siyang hari ng mga Franks noon kaya napagkasunduan ng mga opisyal ng pamahalaan na humiwalay nalang sa pamumuno ng hari. Naibangon naman muli ang mga local na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at duke. Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking na binigyan ng lupa sa bandang France kapalit ng pagtanggap nila sa relihiyong kirtyanismo, ang madalas na pag salakay ng mga barbaro ay nagbigay ng ligalig sa mga mamamayan ng Europe na naging dahilan ng paghahangad nila ng proteksyon.  Sinalakay nila ang iba't ibang panig ng Europa lalo na sa bandang Pransya. Na nagbigay ng ligalig sa mga mamamayan ng Europa, dahil dito naitatag ang Piyudalismo na nagbigay ng proteksyon sakanila



Para saakin ang Piyudalismo ay isang magandang sistema na naitatag noong gitnang panahon dahil ito ang nagbigay ng proteksyon sa mga mamamayan mula sa mga barberong sumasalakay sa ibat ibang parte ng Europe, dahil sino nga ba ang mananatili sa isang lugar na walang proteksyon at kailan man ay maari kang madamay sa mga pag salakay kaya ang Piyudalismo ay isang magandang sistema noong gitnang panahon, ito din ang naging dahilan kung bakit nangyare ang mga importanteng pangyayari na may malaking impact sa history ng kanlurang Europa









Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

BOURGEOISIE

RENAISSANCE

REPORMASYON